Song Cover Image

King of Nothing Lang Pala ⁵

V6-MINI

[Intro] ​[Tunog ng upbeat reggae bassline na may halong makulit na novelty keyboard synth] [Bass vocals] (Yow! Apir! Isang reggae beat para sa madlang pipol! One, two, check, check! Ayusin na ang korona, mga tol!) [Verse 1] Ipinanganak ako sa bulubunduking bayan Sabi ni Máma, may pangarap silang laán Tinawag ako sa pangalan na Ferdinand Baka sakaling maging katulad ni Madyelan [Bass vocals] (O kaya naman ay maging pangulo ng bayan) [Chorus] Ay pero teka muna, ako'y mas laking-tanyag pa Nang bigyan ako ng palayaw na Rex, (Yiiha!) Dahil hari ang ibig sabihin, bongga, di ba? Pero ngayon, nanlulumo at nakangangá... [break] [Basa vocals] (Dahil ang mayabang na haring ito.... King of Nothing lang pala sa dulo!) [Verse 2] Noong elementary, aba’y sikat na sikat Laging nangunguna, number one sa lahat! Pagtuntong ng high school, sumadsad Magaling lang sa sampu, yun ang naganap! [Bass vocals] (Nalula ngayon sa dami at mga henyo pa) [Chorus] Ay oo tama nga naman, mas lumaki ang korona Noong Rex ang palayaw na ibinigay nila Hari raw ang ibig sabihin, bongga, di ba? Pero ngayon, nanlulumo at laging tulalá... [break] [Bass vocals] (Dahil ang hambog na lalakeng ito King of Nothing lang pala sa dulo!) [Bridge] Ngayon ay nagsisisi sa pangungutya noon Sa mga kaklaseng slow at sa laro nakatuon Nakatapos sila at mayayaman na ngayon! Pati kapatid na sinabi kong "Mahina iyon" [break] [Bass vocals] (Pantas pala dahil umasenso sa sipag at tiyaga Kahit Grade 6 lang ang inabot niya!) [Chorus] Ay tama nga naman, ang lumaki ay ulo lang Dahil sa palayaw na Rex ako nanángan Hari kasi ang ibig sabihin, nakapabongga! Pero ngayon ay malungkot, tulo-láway pa... [break] [Bass vocals] (Dahil ang mayabang na lalakeng ito... King of Nothing lang pala sa dulo!) [Outro] Hay naku... Ang tao nga naman... Nabubuhay ngayon sa puro sana lang... Sana... hindi na lang ako nagyabang.. Hahay... ako pala ay King of Nothing lang... [Fade out habang tumutugtog ang mabagal na reggae beat]