Ang kinwento ko na lang sa mga estudyante ko; si Pnoy, Gloria at Erap. Hinahabol sila ng mga armadong kalalakihan at napadpad sila sa isang bodega. Nagsi-tago yung mga dating presidente ng kanya kanya, sa mga sako. Hinalughog ng mga armado ang buong paligid hanggang sa 'yung mga sako na ang inusisa nila. Sinipa ng mga armado yung sako ni Pnoy at umatungal ito na parang asong nasaktan kaya hindi na nila ito inusisa pa dahil akala nila aso talaga ang nasa loob. Sunod kay Gloria. Ngumiyaw naman ito at nakumbinsi ang mga armado na pusa ang nasa loob ng sako. Kaya yung natitirang sako na lang ang kanilang pinagbalingan. Sinipa sipa nila ito ng paulit ulit. Pinukpok din ng dulo ng kanilang mga baril. Hindi nila ito tinigilan dahil inaasahan nilang uungot ito gaya ng naunang dalawa pero wala silang napala, kaya tuloy lang sila sa paggambala sa sako. Hanggang sa napikon na si Erap "E, pucha naman, e!!! Patatas ako! Patatas! May boses ba ang patatas?" At ayun si Erap ay nadakip ng mga armado.