[Verse 1] Sa malamig na umaga; Ikaw ay pag-iinitan Tatakpan ang iyong bibig, habang pinapadyakan [Verse 2] Pingutin ka sa yong tenga, ngunit hindi ka masasaktan Ganti mo pa nga ay angil, na may himig kasiglahan [Pre-Chorus] Saka tayoy maglalakbay, malamig na hangin ay ginaw. Umaandap pa ang yong mata, daan ay halos di matanaw [Chorus] Siyang garalgal mong atungal, dinig ni 'no mang 'di ka tanaw Kaya hindi nangangamba, marating ng punding ilaw [Refrain] Aking kaibigang matalik, Ikaw mula ng mamanhikan Itinakas ka sa aking ama; Lulan aking kasintahan [Bridge] Sumulat sa aming alamat, gasolinang malakasan Kami'y nagpatangay-agos, pag-ibig may kahindikan [Verse 3] Wari bang kaming dalawa, dinuyang nagtatampisaw Tinupok ng paglagablab, pagkalito at pagkasilaw [Coda] Hanggang sa huling pagpiga, kamay sa akin ay bumitaw Nalamang ikaw ay salawahan, ang nais mo lang ay layaw