
[Verse 1] Hindi sa tahimik na paligid O sa planong walang sablay Hindi sa kaya kong isipin O kayanin ng aking kamay [Pre-Chorus 1] Hindi dahil gamay ko Ang lahat ng nangyayari Ngunit alam ko Ikaw ang naghahari [Chorus] Ang Tunay na Kapayapaan Sa’Yo ko lang natagpuan. Mga gulo sa’king isipan At bigat na ayaw bitawan, Sa piling Mo’y panatag ako Kahit dumating ang bagyo. Sa paanan Mo lahat iiwan. Ikaw, Hesus, aking Kapayapaan. [Verse 2] Hindi kailangang lahat ay maunawaan, Ni kayanin sa sariling isipan. Sa bawat laban na ako’y nanghihina, Kalakasan Mo’y sadyang dakila. [Pre-Chorus 2] Di man alam ang lahat Ng landas na tatahakin ko May katiyakan Na sinasamahan Mo ako [Chorus] Ang Tunay na Kapayapaan Sa’Yo ko lang natagpuan. Mga gulo sa’king isipan At bigat na ayaw bitawan, Sa piling Mo’y panatag ako Kahit dumating ang bagyo. Sa paanan Mo lahat iiwan. Ikaw, Hesus, aking Kapayapaan. [Bridge] Sa ‘Yo ang lakas Sa akin ang pahinga Ikaw ang maghari Ako’y magtitiwala Di na magpapanggap Na kaya ko ang lahat Salita Mo’y aking sandigan Presensya Mo’y sapat [Final Chorus-stripped down then build] Ang Tunay na Kapayapaan Sa’Yo ko lang natagpuan. Mga gulo sa’king isipan At bigat na ayaw bitawan, Sa piling Mo’y panatag ako Kahit dumating ang bagyo. Sa paanan Mo lahat iiwan. Ikaw, Hesus, aking Kapayapaan. [Outro] Ikaw, Hesus, ang aking kapayapaan

