[Verse 1] Buong araw lulubog, lilitaw Tanda ko pa no'ng huli kang matanaw Hanggang maglaho ka sa 'king paningin Mula noon paligid ko'y nagdilim Gusto ko nang hilahin ang panahon Nakakasawa na kasi ang kahapon Kaya ayoko nang maulit ito Sana ngayon na ang pagbabalik mo [Pre-Chorus] Nilalanggam na ang tsokolate Kupas na ang lonta kong nabili May sapot na ang aking kukote Sabay ng gigil ko sa'yo [Chorus] Dahil lagi kang naglalaro sa utak ko Dahil lagi kong nalalanghap ang 'yong bango Lalo't mag-isa, umuulan at malamig ang hangin Dahil lagi kong hinahanap-hanap ang init ng iyong yakap [Verse 2] Ilang gabi na 'kong ginaw na ginaw Walang silbi ang mainit na sabaw Kailangan ko ay ang mga yakap mo Ikaw ang unan sa 'king paraiso Bakit kay bagal-bagal ng orasan? Paghihintay ay 'di ko na makayanan Nasasabik na sa iyong pagbalik At sa mga yakap mo'ng nakakaadik [Pre-Chorus] Nilalanggam na ang tsokolate Kupas na ang lonta kong nabili May sapot na ang aking kukote Sabay ng gigil ko sa'yo [Chorus] Dahil lagi kang naglalaro sa utak ko Dahil lagi kong nalalanghap ang 'yong bango Lalo't mag-isa, umuulan at malamig ang hangin Dahil lagi kong hinahanap-hanap ang init ng iyong yakap [Guitar Solo] [Pre-Chorus] Nilalanggam na ang tsokolate Kupas na ang lonta kong nabili May sapot na ang aking kukote Sabay ng gigil ko sa'yo [Chorus] Dahil lagi kang naglalaro sa utak ko Dahil lagi kong nalalanghap ang 'yong bango Lalo't mag-isa, umuulan at malamig ang hangin Dahil lagi kong hinahanap-hanap ang init ng iyong yakap [Outro] Ang init ng iyong yakap Ang init ng iyong yakap Ang init ng iyong yakap