‎[intro: Narration] ‎"Ang ídolatriya, noón at ngayón...." ‎ ‎[Verse 1: Narration] ‎Noón, ‎ang mga táo sa báyan ng Babilónya ‎ay gumawá ng estátwang gawá sa ginto, ‎bílang sagísag ng kaniláng pinúno at ng kaharián nitó, ‎sapágkat naláman nilá, sa pamamagítan ng propéta Daniel, ‎na gínto ang símbolo ng kaniláng hári at ng kaharián o báyan niya, ‎sapagkát ang pinúno at ang kaharián niya ay íisa. ‎Naláman din kasí ng hári nilá na dárating ang panahón, ‎na pápalitan siya ng isáng pílak na kaharián. ‎Maráhil ay naísip niyang mapípigilan, o, kayá ay maantála iyón, ‎kung malípol niya ang mga kaáway niya, ‎o, ang mga táong áyaw pasákop sa kanya. ‎Kayá't ipinag-útos sa lahát ng mga nasasakúpan niya, ‎na aláyan ng músika ang sagísag niya, ‎gámit ang mga iba't ibáng instruméntong pangmusiká, ‎hábang yukurán nilá ito bílang tandà ng katapátan nila. ‎ ‎[intermission] ‎ ‎[verse 2: Sang] ‎Sa ngayón, ‎ang ginawá namán ng mga táo bílang sagísag ng pámunuan at báyan nilá ‎ay gawá sa téla na dínisenyuhan ng mga laráwan, ‎o mga ibang símbolo at mga sari-sáring kúlay. ‎Inaaláyan din itó ng músika at mga kílos ng katapátan, o, loyalidád, ‎gáya ng pagtataás at pagpupúri, at pag-álay ng kaniláng mga búhay. ‎May tínig ding narírinig na sínumang tatánggi ay kamúmuhian, ‎na katumbás ng espirítuwal na págpaslang. ‎Kung hindí igagálang ang bandíla at báyan nilá ‎ng ibáng báyan, silá ay literál na nagpapatáyan. ‎Ang pamunuán kasí na bumá-ngon mulá sa mga táo ngayón, ‎háwak ng mga táo, at pára sa mga táo, ay may hambóg ding espíritu ‎at náis niyang ipasámba ang saríli, at higít sa lahát, ‎ang soberánya ng kanyang diyos, gaya namán noon ng ginawá ng espirítu sa likod ng báyang Babilonyá. ‎ ‎[Final Verse: Spoken, slower] ‎Ngúnit salámat sa Panginoón at ang itinakdá niyang maliwánag na panahón ay dumatíng na. Inilantád niya ang Masamá at ang kasamáan nitó, sa pamámagitan ng pagpugnaw sa puwersa ng kadilíman, ang matagál na pumígil sa pagkabúnyag, o pagkahayág ng kalikúan. Pinaláya at tinípon ang kanyang mga banál, at gáya ng isáng táo, ay hinahatúlan na ang sánlibutan sa pantay na paraán. ‎Ibinagsak ang Masama at winásak, at ang mga piráso niya ay lában na sa isá't isá. ‎Éto na ang Áraw at Óras pára lumabás at humiwaláy sa Masama, at magpasákop sa mga Banál, at gaya nila, ay maglingkod at magpuri, at itaás ang tá-nging bandíla ng banál na báyan — waláng ibá kundi ang Panginoón mismo — hindi ginawá, kundi, siya ang gumawá sa kalawákan at ang lahát ng mga nilálaman nitó. ‎ ‎[Outro: Spoken] ‎"Puríhin ang Panginoon... " ‎