
Pinapaubaya, pinapalaya... Hindi ko namalayan Paano nagsimula Lambingan at tampuhan Unti-unting nawala Sa bawat araw na lumipas Akala ko ay sapat Ang mahalin ka lang Kahit walang salita Ngayon ko lang nakita Lahat ng ’di ko nagawa Kung kailan huli na Saka lang nalaman iyong halaga Pinapaubaya na kita Sa ligayang ngayon ay nasa kanya Na ni minsan hindi ko nakita Noong tayo pa ang magkasama Pinapalaya ang pagmamahal Na hindi ko man lang naipakita Ngayong huli na pagsisisi ang kaakibat Sana tuluyan ka ng sumaya. Iba na ang 'yong mundo Payapa na ang puso mo Hindi na hahadlang Sa tunay na kaligayahan Wala nang babalikan Wala nang dapat ipaglaban Ang tanging kahilingan Wag ka lang nyang sasaktan pa Pinapaubaya na kita Sa ligayang ngayon ay nasa kanya Na ni minsan hindi ko nakita Noong tayo pa ang magkasama Pinapalaya ang pagmamahal Na hindi ko man lang naipakita Ngayong huli na pagsisisi ang kaakibat Sana tuluyan ka ng sumaya. Pinapaubaya, pinapalaya... Oohh...

