Intro: (intermittent horn blowing) Verse 1: Ako ay namámasada. Traysikël ang gamit ko Babád lagi sa kalsada Kasama ay pasahero Ang tamád, laging tálo Ang buwaya, binabato Marami mang kompromiso Sa propesyon kong ito... (pause) Ngunit ayos lang Nakakaraos naman.... Chorus 1: Ako ay Mangaldan draybër Ng traysikël na medyo may kalumaan na.... Ako nga ay isang draybër Ng traysikël na draybër ang makina Pedikab ang tawag nila... (shouts) "Pedikab!" Verse 2: Tinitiis ko ang init Tinitiis ko rin ang lamig Ang makapal na usok Pati ang alikabok... Marami man ang kapos Pera raw ay naubos Galante naman ang iba Kung magbayad na... (pause) Kaya nga ayos lang, Kumikita pa rin naman.... Chorus 2; Ako ay Mangaldan draybër Ng traysikël na medyo kalawangin na Ako nga'y isang draybër Nagsasakay ng pasahero kahit di ko kilala Ngunit ang iba'y contacts sa CP ko.... (telephone rings) "Hello?" Chorus 3: Ako ay Mangaldan draybër Ng traysikël na medyo ijajanksyap na Ako nga ay isang draybër Nagsasakay nga pasahero kahit tagatulak pa Ngunit ang iba'y gumagamit lang naman... (shouts) "Freeze!" Outro: (intermittent blowing of horn)