
[Intro] [intermittent horn blare] [Verse 1] Ang tagal ko nang namamasada Ang ginagamit ko'y traysikel Ang bawat lubak ay alam ko Kahit ang bako-bakong mga kanto Kung saan ang tamad ay talo At ang suwapang naman ay laging binabato [Pre-Chorus] Maraming mga kompromiso Sa propesyon kong ito Ngunit ayos lang Nakakaraos naman.... [Chorus] Ako'y Mangaldan drayber Ng traysikel na medyo may kalumaan na Traysikel drayber Nagsasakay ng pasahero kahit di ko kilala Ngunit ang iba'y contacts sa cellphone ko [instrumental interlude] [Verse 2] Tinitiis ang panahong mainit Nagtitiis din sa taglamig Pati na rin ang alikabok At ang nakakaubóng úsok Kahit may mga pasaherong kapós Ang iba naman ay nagbibigay nang lubós [Pre-Chorus] Marami ngang kompromiso Sa propesyon kong ito Ngunit ayos lang Nakakaraos din naman... [Chorus] Ako'y Mangaldan drayber Ng traysikel na medyo may kalumaan na Traysikel drayber Nagsasakay ng pasahero kahit di ko kilala Ngunit ang iba'y contacts sa cellphone ko [instrumental interlude] [Pre-Chorus - More intense] Marami mang kompromiso Sa propesyon kong ito Ngunit ayos lang Nakakaraos din naman... [Chorus - More intense] Ako'y Mangaldan drayber Ng traysikel na medyo kalawangin na Traysikel drayber Naghahatid ng pasahero kahit estranghero pa Ngunit ang iba'y mga suki ko na [Outro - Fades out] Mangaldan drayber Ng traysikel na medyo idya-junkshop na Traysikel drayber Nagsasakay ng pasahero kahit tagatulak pa Ngunit ang iba'y gumagamit lang naman...

