
[Intro: Yodel] [Verse 1] Naku! Anóng hírap, búhay-padyakéro, laging nasa kalsada. Alikabok dito at úsok doón ang masasagap sa tuwi-tuwina. Ang init ng araw, lamig ng panahon, palaging madarama. O, talagang ganyan, dapat magtiis ako, ito'y búhay-padyakero. [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] [Verse 2] Pagdating ng oras na hinihintay, pasadang walang humpay, Mataas, inaakyat, lubak, binabagtas, pawis ay tumatagaktak. Ang pagkain ko'y ubós, úhaw, tinitiis, ang hiningay kinakapos. O, talagang ganyan, dapat magtiis ako, ito'y búhay-padyakero. [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] [Bridge] Ay, ay, naku, pare! Tiis lang konti para umabot sa 'destiny'. Magpakabit na ng makina kung túhod natin ay mahina na. Pero ingat lang tayo, baka hulihin na rin tayo ng mga L T O O, talagang ganyan, dapat na magtiis tayo, ito ang búhay-padyakero... [Chorus] [Yodelling] Yo-de-lay-ee-lay-ee-lay-ee-hee-hoo [4X] [Outro: Yodel fades out]

