[Chorus] Tayo'y mga Pinoy Tayo'y hindi Kano Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango [Verse 1] Dito sa Silangan, ako'y isinilang Kung saan nagmumula ang sikat ng araw Ako ay may sariling kulay, kayumanggi Ngunit 'di ko maipakita tunay na sarili [Verse 2] Kung ating hahanapin ay matatagpuan Tayo ay may kakanyahang dapat na hangaan Subalit nasaan ang sikat ng araw? Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran? [Pre-Chorus] Bakit kaya tayo ay ganito? Bakit nanggagaya? Mayro'n naman tayo [Chorus] Tayo'y mga Pinoy Tayo'y hindi Kano Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango [Verse 3] Dito sa Silangan, tayo'y isinilang Kung saan nagmumula ang sikat ng araw Subalit nasaan ang sikat ng araw? Ba't tayo ang humahanga doon sa Kanluran? [Pre-Chorus] Bakit kaya tayo ay ganito? Bakit nanggagaya? Mayro'n naman tayo [Chorus] Tayo'y mga Pinoy Tayo'y hindi Kano Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango [Bridge] Mayro'ng isang aso, daig pa ang ulol Siyay ngumingiyaw, hindi tumatahol Katulad ng iba, pai-Ingles Ingles pa At kung pakikinggan, mali-mali naman 'Wag na lang Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy Hoy, hoy, hoy, hoy, hoy, hoy [Chorus] Tayo'y mga Pinoy Tayo'y hindi Kano Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango