[Verse 1] O kay hirap maghintay Hindi maiwasan ang magduda Hindi mapakali sa inaabangan Pangamba ay kung may dadating pa [Verse 2] Hindi ko alam kung saan titingin Marami ang nagpapapansin Eto lang ang palaging batid Bakit ako nandito pa rin [Chorus] Kasi Ako ang nagtanim, Ikaw ang magpapabunga Sa binhing sa Inyo lang nagmula Sa ulan Mo Ikaw ang nagdidilig Sa panahon Mo may takdang aanihin Panalangin ko ay biyaya sa tiyaga At kalakasan sa paghihintay [Verse 3] Hindi ko maiwasan ang mainip Lalo na pag ang langit ay walang imik Paulit ulit ang tanong sa aking drama May kalunkutan na parang sirang plaka [Chorus] Kasi Ako ang nagtanim, Ikaw ang magpapabunga Sa binhing sa Inyo lang nagmula Sa ulan Mo Ikaw ang nagdidilig Sa panahon Mo may takdang aanihin Panalangin ko ay biyaya sa tiyaga At kalakasan sa paghihintay [instrumental] [Bridge] Nasa labas ka ng aking oras Alam mo ang katapusan mula sa simula Ang kaganapan ng aking pananampalataya Ikaw ang may akda sa aking paghihintay [Final Chorus] Ako ang nagtanim, Ikaw ang magpapabunga Sa binhing sa Inyo lang nagmula Sa ulan Mo Ikaw ang nagdidilig Sa panahon Mo may takdang aanihin Salamat Ama, sa biyaya ng tiyaga At kalakasang dulot sa paghintay