
Ang puno ng niyog ay ang Puno ng Buhay Bawat bahagi ay may silbing mahusay Ang dahon ay para sa bubong at tingting Ang puno naman ay sa sahig at dingding May bahay ka na at may pagkain ka pa Matamis na inumin ang buko niya Mula sa bunga, may kopra, langis, gata Sa puno ng niyog, maraming malilikha.

