[Instrumental Intro - 4 bars] [Pre-verse] Umuulan ng dapithapong iyon. Mga patak ng ulan, animo ay, mga alaalang nagdaraan. Mga sinag ng ilaw, sa napakasiglang daan. [Verse 1] Matagal na rin tayong magkakilala, Nagkakabiruan sa kung anu-anong mga bagay. Masayang nagkaka-huntahan, mga halakhak nati'y pumapalahaw, Minsa'y napagdududahan nila, Kung tayo ba... [Pre-chorus] Ngunit unti-unti, naramdaman natin ang pagka-ilang sa isa't isa. Tawanan nati'y napalitan ng pagtitig sa 'ting mga mukha. Du'n ko unang nasilayan ang iyong ganda, Ganoon na rin naging dyahe sa 'king itsura [Chorus] Mula noon, tayo ay sumubok, Sa karanasang di natin lubos na nauunawaan. Tanging tibok ng ating mga puso, Ang siya nating tanglaw, Sa kasukalan ng pag-ibig na ating nadarama. Oh... Mahal nga ba natin ang isa't isa? Pag-ibig na nga ba itong nadarama? [Verse 2] Iniisip kita lagi, habang nasa itaas ng aming bubungan, Nakatingala sa kalangitan, minamasidan mga bitwin sa kaitaasan. Ngunit mukha mo ang aking nasusumpungan. Ikaw ang nag-iisang buwan, na pinakamakinang sa kalawakan. [Bridge] Puso ko nga'y nabihag mong tuluyan, Ikaw pala'y matagal nang nag-iisang buwan, at ang tanging nagagawa ko lang mula sa malayo ay ikaw ay masdan. Kaya't ngayong tayo ay nagkapalagayan, Sisikapin kong ako'y maging sapat, at di ka iiwan. [Verse 2] Iniisip kita lagi, habang nasa itaas ng aming bubungan, Nakatingala sa kalangitan, minamasidan mga bitwin sa kaitaasan. Ngunit mukha mo ang aking nasusumpungan. Ikaw ang nag-iisang buwan, na pinakamakinang sa kalawakan. [Pre-chorus] Ngunit unti-unti, naramdaman natin ang pagka-ilang sa isa't isa. Tawanan nati'y napalitan ng pagtitig sa 'ting mga mukha. Du'n ko unang nasilayan ang iyong ganda, Ganoon na rin naging dyahe sa 'king itsura [Chorus] Mula noon, tayo ay sumubok, Sa karanasang di natin lubos na nauunawaan. Tanging tibok ng ating mga puso, Ang siya nating tanglaw, Sa kasukalan ng pag-ibig na ating nadarama. Oh... Mahal nga ba natin ang isa't isa? Pag-ibig na nga ba itong nadarama? [Coda] Ngunit unti-unti, naramdaman natin ang pagka-ilang sa isa't isa. (Tawanan nati'y napalitan ng pagtitig sa 'ting mga mukha.) Du'n ko unang nasilayan ang iyong ganda, Ganoon na rin naging dyahe sa 'king itsura [Outro] Mula noon, tayo ay sumubok, Sa karanasang di natin lubos na nauunawaan. Tanging tibok ng ating mga puso, (Ang siya nating tanglaw, Sa kasukalan ng pag-ibig na ating nadarama.) Oh... Mahal nga ba natin ang isa't isa? Pag-ibig na nga ba itong nadarama? [Outro] Mula noon, tayo ay sumubok, Sa karanasang di natin lubos na nauunawaan. Tanging tibok ng ating mga puso, (Ang siya nating tanglaw, Sa kasukalan ng pag-ibig na ating nadarama.) Oh... Mahal nga ba natin ang isa't isa? Pag-ibig na nga ba itong nadarama? [Instrumental Outro, Powerful - 4 bars]