
[Verse 1] Hoy mama, manggagawa Kahit pa magkandakuba Ang kita mo'y kapos pa rin sa baba Sa bansang ang namumuno'y iba ang gawa Hoy ale, sa isang tabi Magtinda ka man hanggang gabi Sa ating bayan na nahuhuli Ganito na lang palagi ang nasasabi [Chorus] Paulit-ulit lamang araw-araw Ang takbo ng ating buhay Paulit-ulit, wala bang pagbabago Ang pamamalakad sa gobyerno? [Verse 2] Hoy pare, d'yan sa rally Lagi ka na lang kasali Itanim mo sa iyong kukote Kahit sinong maupo sa nakaw ay mawiwili Hoy mare, tulad dati Sumisigaw, nakikipag-debate "Palitan na ang Presidente!" Eh ano pa rin palagi ang nasasabi? [Chorus] Paulit-ulit lamang araw-araw Ang takbo ng ating buhay Paulit-ulit, wala bang pagbabago Ang pamamalakad sa gobyerno? [Instrumental Break] [Chorus] Paulit-ulit lamang araw-araw Ang takbo ng ating buhay Paulit-ulit, wala bang pagbabago Ang pamamalakad sa gobyerno? Paulit-ulit lamang araw-araw Ang takbo ng ating buhay Paulit-ulit, wala bang pagbabago Ang pamamalakad sa gobyerno?

