[Verse 1] Nilimot ko na ang datiy masasayang alaala Nư'ng tayong dal'way lubos pa ang pagsasama Na wari ko ba'y sa isang pagsulok ng ating mga mata Kasunod pala'y ang 'di na natin pagkikita. [Bridge] Kinakanlong ng aking walang lamang mga bisig ang hanggang ngayo'y pinaniniwalaan kong pag-ibig Hindi ko maikubli ang pagpupuyos nitong damdamin [Chorus] Hanggang kailan ko ba madadanas sa iyo'y manimdim? Ang paglimot sa sinawing pagmamahalan dulot ng iyong pangingibang bayan [Verse 2] Kahit 'di sapat ang dahilang paghango sa kahirapan Pilit kong tinanggap at hinayaang ika'y lumisan. [Verse 3] Doo'y makatatagpo ka ng kababayan o dayuhan Mahal ka man, o alam mo na'ng panandalian Basta ang sukli nila'y sasapat 'di mo man ikayaman Kahit ang ipalit mo pa ay ang iyong katauhan. [Verse 4] Nư'ng tayong dal'wa'y hindi pa nangangarap At 'di pa batid ang sa buhay nati'y paghihirap Ang pagsasama naman nati'y naging maluwat Tangi lang nating tanglaw ay maging tapat sa lahat [Coda] Subalit iba magdikta ang ating tadhana Marahil nga'y sa piling ko'y hindi ka makaririwasa Kahit ano'ng yabong ng ating pagmamahalan, 'Di ito naiintindihan ng kumakalam nating mga tiyan