Song Cover Image

Mangaldan Drayber 02

[Verse 1] Ako ay namamasada Ang gamit ko ay tricycle At palaging nasa kalsada Kung saan ang tamad ay talo Ang suwapang nama'y laging may katalo Marami mang kompromiso Sa propesyon ko'ng ito Ngunit ayos lang Nakakaraos naman [Chorus] Ako'y Mangaldan Driver Ng tricycle na may kalumaan na Tricycle Driver Nagsasakay ng pasahero kahit 'di ko kilala Ngunit ang iba'y CP contacts ko [Verse 2] Tinitiis ko ang init Tinitiis din ang lamig Ang makapal na usok Pati ang alikabok Marami mang kapos Galante naman ang iba kung magbayad Marami ngang kompromiso Sa propesyon ko'ng ito Ngunit okay lang Kumikita rin naman [Repeat Chorus twice]