[Verse 1] Nais kong mabuhay sa haba ng panahon Kung ito'y lilipas na ika'y kapiling ko Ang aking buhay, ang aking buhay Sa iyo'y ibibigay Tangi kong panalangin ay pagsamo mo Kailan ma'y di magmamaliw ang apoy sa puso ko [Chorus] Habang may buhay, habang may buhay Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy Sa'yo lamang iaalay Ang aking buhay, ang aking buhay Sa'yo ibibigay [Verse 2] At kung tayo'y magwawalay Ako'y mabibigo 'Di na naiisin pang ituloy Ang buhay ko [Chorus] Habang may buhay, habang may buhay Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy Sa'yo lamang iaalay Ang aking buhay, ang aking buhay Sa'yo ibibigay [Bridge] Ibig kong malaman mo Hanggang sa dulo ng mundo Ang pangarap ko'y sa'yo, oh [Chorus] Habang may buhay, habang may buhay Hangga't ang dugo ko ay dumadaloy Sa'yo lamang iaalay Ang aking buhay, ang aking buhay Sa'yo ibibigay, sa'yo ibibigay