
[Verse 1] Dumilat ka at pagmasdan mo Inang Bayan ay nagsusumamo Ang dating kaliwanagan Bakit ngayon ay kadiliman? [Pre-Chorus] Huwag bubunganga sa ating bayang sumasama Sa katarantaduhang ikaw ang may gawa [Verse 2] Puro patayan, walang katapusan Hindi ba naturuan ng pagmamahalan? Sagana sa yaman, ugat ng lahat Silang matataas ang may likha ng lamat [Pre-Chorus] Mga hinanakit hindi na ba matatapos? 'Di ba matitinag? Wala pang paggalang sa Diyos [Chorus] Tayo na sa paraiso at 'wag na nating muling babalikan Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran Sila na nais maghasik ng kalagiman sa ating lipunan At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin [Instrumental Break] [Verse 3] Kasakiman, kapangyarihan Ikaw ba'y diyos ng sanlibutan? Pera na sa atin ay bumubuhay Dito ay maraming nagbuwis ng buhay [Pre-Chorus] Sobrang talino marami raw siyang naimbento Ngunit lagim naman ang siyang naging epekto [Verse 4] Kaplastikan sa kapwa tao, ginagamit ang pangalang Kristo Kaligtasan ang usap-usapan, ngunit ang isipan ay kalaswaan [Pre-Chorus] Dala ay Bibliya, buong akala mo'y santo Sa likod ng maskara ay isa palang diablo [Chorus] Tayo na sa paraiso at 'wag na nating muling babalikan Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran Sila na nais maghasik ng kalagiman sa ating lipunan At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin [Chorus] Tayo na sa paraiso at 'wag na nating muling babalikan Ang mga demonyo ay nagkalat na sa ating kapaligiran Sila na nais maghasik ng kalagiman sa ating lipunan At kung ikaw ay mahahawa ay lalong lagim ang kahihinatnan Lagim ang sasapitin https://suno.com/song/01776029-de20-49d9-8648-d98e95adfc62?sh=EhTDj86ZeqTtIGCK

