Intro: (intermittent horn blowing) Verse 1: Ako ay namamasáda. Ang gamit ko ay traysikël. Lagi akong naka-bábad sa kalsáda, Kung saán ang tamád ay tálo, At ang suwápang nama'y láging may katálo Marami ngang kompromiso Sa propesyon kong ito. Ngunit ayos lang Nakakaraos naman.... Chorus 1: Ako ay Mangaldan draybër Ng traysikël na medyo may kalumaan na.... Ako nga'y isang draybër Ng traysikël na draybër ang makina Pedikab ang tawag nila... (shouts) "Pedikab!" Verse 2: Tinitiis ko ang init Tinitiis ko rin ang lamig Pati ang usok at ang alikabok... Marami man ang kapos Galante naman ang iba kung magbayad. Marami ngang kompromiso Sa propesyon kong ito, Ngunit ayos lang, Kumikita rin naman.... Chorus 2; Ako ay Mangaldan draybër Ng traysikël na medyo kalawangin na Ako nga'y isang draybër Nagsasakay ng pasahero kahit di ko kilala Ngunit ang iba'y contacts sa CP ko.... (telephone rings) "Hello?" Chorus 3: Ako ay Mangaldan draybër Ng traysikël na medyo ijajank-siap na Ako nga'y isang draybër Nagsasakay ng pasahero kahit tagatulak pa, Ngunit ang iba ay gumagamit lang naman.... Outro: (intermittent blowing of horn)