Song Cover Image

PASKO Ambag Mo, Ambag Ko

V6

Carry Bells Carry Bellls Carry All The Way Hey! Kukumpletuhin ang nine mornings upang ang aking wish ay magkatoto oh Sa bawat tunog ng kampana ako'y gigising hangad ang blessings from the Lord at umaasa na masilayan ka sa isang umagang kay ganda... aw! Puso’y nagagalak, kada simbang gabi Sa labas ng simbahan, usok ay nang-aakit Mainit na bibingka, kainin habang mainit Puto Bumbong na may libreng cha ah Merong Niyog at mantikilya, sarap na hindi mali li mot Siyam na umaga, sabay-sabay tayong lumalakad Hinihintay ang Pasko, sa pag-asa’y naghihintay [chorus] Ang hapag ay handa na, bahay ay maliwanag Gabi ng Noche Buena, pinakamagandang gabi Gawa ng ating mga kamay, puno ng pagmamahal Bawat pagkain, ala ala ng pamilya Ngayong Pasko naghahanda ang lahat Ambag Mo, Ambag ko Madami kapag nagsama-sama eto na kami isang barangay halina't pagsaluhan Lechon na malutong, kasama ang halik na malutong Hamon na pinalangoy sa pinya, oh kay sharap! Lumpiang Shanghai na malutong, sa hangin ay amoy Spaghetting pampahaba daw ng buhay Queso de Bola, walang halong bola Embutido , Leche Flan na malinamnam, Ube na makulay Miss mo rin ba ang Morcón!, Sari-saring Pancit na mapapapikit ka sa sharap Maha Blanca, Crema de Fruta, Buko Salad Suman Buko Pandan, presko at mabango Bawat lasa, biyaya ng Diyos sa atin [chorus] Ang hapag ay handa na, bahay ay maliwanag Gabi ng Noche Buena, pinakamagandang gabi Gawa ng ating mga kamay, puno ng pagmamahal Bawat pagkain, ala ala ng pamilya [outro] Pasko ang pinaka hihintay ng bawat pamilya kung saan nagkakasama-sama at nagdiriwang sa mga biyayang natamo ngayong taon Ang wish ko ay ikaw na dumagdag sa aming pamilya