Song Cover Image

Florante at Laura, Kabanata 9.2: Sa Harap ng Dalawang Leon

September 9, 2024 at 10:18 AMv3.5

Pagkabata ko na'y walang inadhika kundi paglilingkod sa iyo't kalinga; 'di makailan kang babal-ing masira, ang mga kamay ko'y siyang tumimawa. Dustang kamatayan ang bihis mong bayad; datapuwa't sa iyo'y magpapasalamat, kung pakamahali't huwag ipahamak ang tinatangisang giliw na nagsukab. Yaong aking Laurang hindi mapapaknit ng kamatayan man sa tapat kong dibdib paalam, bayan ko, paalam na ibig, magdarayang sintang 'di manaw sa isip! Bayang walang loob, sintang alibugha, Adolfong malupit, Laurang magdaraya, magdiwang na ngayo't manulos sa tuwa at masusunod na sa akin ang nasa. Nasa harap ko na ang lalong marawal, mabangis na lubhang lahing kamatayan; malulubos na nga ang iyong kasam-an, gayundin ang aking kaalipustaan. Sa abang-aba ko! diyata, O Laura ... mamamatay ako'y hindi mo na sinta! ito ang mapait sa lahat ng dusa; sa'kin ay sino ang mag-aalaala! Diyata't ang aking pagkapanganyaya, 'di mo tatapunan ng kamunting luha! kung yaring buhay ko'y mahimbing sa wala, 'di babahaginan ng munting gunita! Guniguning ito'y lubhang makamandag, agos na, luha ko't puso'y maaagnas; tulo, kaluluwa't sa mata'y pumulas, kayo, aking dugo'y mag-unahang matak. Nang matumbasan ko ng luha, ang sakit nitong pagkalimot ng tunay kong ibig, huwag yaring buhay ang siyang itangis kundi ang pagsintang lubos na naamis.

User avatar
0 / 500

No comments yet!

Be the first one to show your love for this song